banner

TTMF, hindi ipagdadamot sa mga karatig-bayan

Written by
  • Zeny S.
  • 2 years ago

Malinaw na sinabi ni Mayor Gila Garcia sa katatapos na inagurasyon ng Temporary Treatment and Monitoring Facility (TTMF) na bagama’t ito ay proyekto ng bayan ng Dinalupihan ay magiging bukas ito para sa lahat lalo na sa mga kababayan natin sa mga karatig-bayan.

Ayon sa masipag na Mayora, hangga’t patuloy ang paglaban sa COVID-19 ay handa ang lokal na pamahalaan ng Dinalupihan sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan.

Tuluy-tuloy umano ang pagtutulungan ng lahat lalo na sa kanilang bagong accomplishment na TTMF, na inisyatibo nina Gov. Abet Garcia, Dr. Rossana Buccahan, DOH Region 3, SB Dinalupihan sa pangunguna ni Vice Mayor Rey Matawaran, mga opisyal ng barangay para makontrol ang pagkalat ng sakit sa kani-kanilang lugar; gayundin ang sambayanan na nakikiisa bagama’t mahirap gawin ay kinakailangan para masugpo ang pagkalat pa ng nasabing virus.

Sinabi din ni Mayor Gila Garcia na bago tumanggap ng pasyente, kinakailangan umano na ito ay na-inspect na ng DOH for accreditation sa Philhealth.

Ang nasabing pasilidad na sinimulang itayo noong Disyembre 2020 sa budget na P20M, ay may 40 rooms; 20 isolation rooms para sa mga suspected cases at 20 rooms para sa mga COVID cases.

Gaya ng nauna nang sinabi ni Mayor Gila, ang nasabing pasilidad ay matatapos at pasisinayaan sa unang lingo ng Pebrero, upang aniya pa ay makatugon sa pangangailangan ng Probinsya na mabawasan o ma-decongest ang mga ospital sa pagtanggap ng mild at asymptomatic cases, upang ang matitinding kaso na lamang ng COVID ang bigyang lunas sa ating mga ospital.

Article Categories:
COVID-19 News

Leave a Reply

Shares