COVID-19 News

‘Tumulong tayo sa pagbigay ng tamang inpormasyon’

0

Hinikayat ni Dinalupihan Mayor Gila Garcia ang lahat ng mamamayan lalo na ang mga health workers, frontliners at barangay officials na tumulong sa pagbibigay ng tamang inpormasyon ukol sa Covid-19 at anti-Covid vaccine.

Kasabay nito, pinasalamatan ng mayora ang Provincial Health Office, mga doktor, nurses, health workers, iba pang frontliners, at mga kawani sa inagurasyon ng Temporary Treatment Monitoring Facility (TTMF) sa tabi mismo ng Bulwagan ng Bayan ng Dinalupihan nitong Miyerkules.
Sinabi ni Mayora Garcia na ang TTMF ay bukas para sa lahat ng pasyente na asymptomatic at may mild case ng Covid-19.

Maglalaan ng mga doctors at nurses ang Department of Health sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan ng Bataan upang mabigyan ng kaukulang pangangalaga ang mga pasyente. “Gusto natin nasa tamang pangangalaga ang ating mga kababayan.”
“Ipagpatuloy pa natin ang pakikipaglaban sa coronavirus kahit hindi natin nakikita ang ating kalaban, ipagpatuloy natin ang pagsuot ng face mask, face shield, social distancing,” sabi ng mayora.
Ang TTMF ay kayang tumanggap ng mahigit sa 20 pasyente. Ito ay may kanya-kanyang kuwarto at palikuran para sa bawat pasyente.

Nagkakahalaga ng P30 milyon, ang TTMF ay isa sa mga mahahalagang proyekto ng administrasyon ni Mayora Garcia ngayong panahon ng pandemya.

AFAB nakikipag-ugnayan sa management, workers

Previous article

Modern precision farming gamit sa 10 model farms sa Dinalupihan

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply