LUNGSOD ng BALANGA, Bataan – Masayang ibinalita ni Bb. Merlinda Dominguez, Punong Guro ng Bataan National High School (BNHS) sa katatapos na Stakeholders Assembly ng mga magulang kahapon na numero unong prayoridad ng kanyang administrasyon sa taong ito na, lahat ng mga mag aaral (100%) sa lahat ng antas ay walang babagsak.
Ayon kay Dominguez umabot sa 5, 645 sa taong ito ang bilang ng mga bagong mag aaral pero hindi umano rason ang pagtaas ng enrollment sa hindi nila pagtalima para lalong pagbutihin ang kalidad ng pagtuturo sa mga mag aaral.
Sa nasabing asambleya, hinikayat ni Dominguez ang mga magulang na huwag mag atubiling magsabi sa mga advisers, department heads o kahit pa sa kanya kung may kinakaharap na problema ang pamilya kung hindi makapapasok ang mag-aaral para alam umano nila kung papaano tutulungan ang mag aaral, dahil kung mga dalawang araw na liliban ang bata sa paaralan ay pwede umano nila ipadala ang mga aralin para sa bahay ito pag aralan ng bata.
At para higit pang matulungan ang mga mag aaral ay ihinahanda na umano nila ang mga remedial classes sa oral reading and reading comprehension para lalo pang maunawaan ng mga mag aaral ang kanilang mga aralin hindi lamang sa English kundi maging sa ibang subjects.
Samantala sinabihan niya ang mga guro na maging higit na sensitibo sa mga mag aaral sa kanilang mga pangangailan.
Mas lalo pang paiigtingin umano ang monitoring and supervision ng mga department heads upang malaman kung tama ang ginagawa ng mga guro.
Hind biro ang mga karangalang tinanggap ng mga mag aaral at guro ng BNHS sa nakaraang taon sa iba’t ibang paligsahan kung kaya’t gayon na lamang ang pasasalamat ni Gng. Liza Vasquez, Pangulo ng Federated PTA sa mga magulang sa pakkiisa ng mga ito sa mga gawain ng paaralan.