banner

140M pondo para sa Dinalupihan District Hospital

Written by
  • Zeny S.
  • 3 months ago

Simula sa susunod na taon ay makikita na ang malaking pagbabago sa Dinalupihan District Hospital; mula sa 100 bed capacity, ito ay magiging 200 bed capacity na, ayon kay Mayor Tong Santos.

Sinabi pa ng butihing Mayor na mula sa pondo na ipinagkaloob nina Gov. Joet Garcia at Congresswoman Gila Garcia ay matutupad na rin ang pangarap nilang mas maraming pasyente ang matulungan ng nasabing ospital.

Ipinaliwanag ni Mayor Tong Santos na ang 75M ay gagamitin sa konstruksyon ng nasabing ospital samantalang ang 65M ay gagamitin naman sa pagbili ng mga kinakailangang gamit ng ospital.

Inaasahan umano niya na sa oras na matapos ang nasabing konstruksyon ng ospital, ito ay magiging tila pribadong ospital na kumpleto sa kagamitan, mga doktor at narses.

Isa umano sa kanyang legasiya ang maisaayos ang kalusugan ng kanyang mga mamamayan lalo na ang pagkakaroon ng maayos na pagamutan na matatakbuhan ng mahihirap na Dinalupihenos sa oras ng pangangailangan.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares