
COVID-19 UPDATE: Sa huling ulat ng PHO kahapon, ika-10 ng Nobyembre, umabot na po sa 2,911 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ating Lalawigan, dalawampu’t dalawa (22) ang mga bagong nakarecover at 155 ang nagnegatibo ang resulta ng test.
Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay ang mga sumusunod:
1. Isang 26 na taong gulang na lalaki mula sa Abucay
2. Isang 36 na taong gulang na babae mula sa Bagac
3. Isang 28 taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
4. Isang 36 na taong gulang na lalaki mula sa Dinalupihan
5. Isang 64 na taong gulang na lalaki mula sa Samal
6. Isang 38 taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
7. Isang 17 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
8. Isang 26 na taong gulang na babae mula sa Lungsod ng Balanga
Sa kabuuan, umabot na po sa 2,730 ang bilang ng nakarecover na.
1. Isang 38 taong gulang na babae mula sa Abucay
2. Isang 17 taong gulang na lalaki mula sa Abucay
3. Isang 11 taong gulang na lalaki mula sa Abucay
4. Isang 30 taong gulang na babae mula sa Dinalupihan
5. Isang 52 taong gulang na babae mula sa Hermosa
6. Isang 47 taong gulang na babae mula sa Hermosa
7. Isang 50 taong gulang na lalaki mula sa Hermosa
8. Isang 21 taong gulang na babae mula sa Hermosa
9. Isang 19 na taong gulang na lalaki mula sa Hermosa
10. Isang 11 taong gulang na babae mula sa Hermosa
11. Isang 49 na taong gulang na lalaki mula sa Hermosa
12. Isang 71 taong gulang na lalaki mula sa Limay
13. Isang 23 taong gulang na babae mula sa Mariveles
14. Isang 38 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles
15. Isang 28 taong gulang na babae mula sa Orani
16. Isang 35 taong gulang na lalaki mula sa Orani
17. Isang 11 taong gulang na lalaki mula sa Orani
18. Isang 30 taong gulang na lalaki mula sa Orani
19. Isang 78 taong gulang na lalaki mula sa Orion
20. Isang 30 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
21. Isang 40 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
22. Isang 25 taong gulang na lalaki mula sa Lungsod ng Balanga
Ang kabuuang bilang ng active cases ay 122 at lahat sila ay naka isolate na; limampu’t siyam (59) ang pumanaw na; 308 ang naghihintay ng resulta ng test; 28,141 ang nagnegatibo na at 163 ang mga bagong natest. Mula po noong ika-31 ng Enero hanggang sa kasalukuyan ay 31,360 na po ang natest sa ating Lalawigan.
Maaari po ninyong i-access ang real time monitoring ng Bataan sa pamamagitan ng link na ito:
https://datastudio.google.com/s/vsS5vdEmMoM
Upang hindi na po dumami ang kaso ng COVID-19, patuloy po ang ating tagubilin na palaging maghugas ng kamay, manatili sa inyong mga tahanan at kung kinakailangang lumabas ng bahay ay umiwas sa mga mataong lugar, magsuot ng facemask at mag observe ng physical distancing na dalawang (2) metro.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pakikiisa.
#1Bataan