DTI badyet, hinimay na mabuti ni Pusong Pinoy Partylist Rep. Jett Nisay

Masusing hinimay ni Pusong Pinoy Partylist Rep. Jett Nisay ang panukalang badyet ng Department of Trade and Industry (DTI) noong unang araw ng Oktubre sa ginanap na budget hearing sa Mababang Kapulungan.

 

Sa kanyang pahayag sa kanyang FB noong Miyerkules, sinabi ni Nisay na mahalagang malaman kung sino at anong sektor ang makikinabang sa P1.5 billion budget na panukala ng DTI kaugnay ng programang “Pagbabago at Pag-asenso.”

 

Dagdag pa niya na mahalagang malaman din ng taumbayan kung paano makakukuha ng pondo at ano ang mekanismo nito. “at ang pagpapatupad para masiguro na walang “usurious lender” at tunay na micro- entrepeneurs ang makikinabang,” paliwanag pa ni Nisay.

 

Ayon pa sa kanya, “Binusisi natin kung may nakalaan nang pondo ang DTI para sa rehabilitasyon at tulong sa mga micro at small enterprises na apektado ng mga kalamidad at mga “business incubation program upang higit na matulungan ang “startup industry.”

 

Ipinaliwanag din ni Nisay na, “napakahalaga ng papel ng DTI sa pagpapatatag ng ating MSMEs na backbone ng ating ekonomiya.”

Leave a comment