banner

Abucay at Samal pinili ng DOST

Written by
  • Zeny S.
  • 4 months ago

Pinili ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga bayan ng Abucay (Brgy. Bangkal) at Samal (Brgy. Palili) para ilunsad ang kanilang proyektong “2021 Expanded Implementation of Community Empowerment through Science and Technology”.

Ayon sa Project Leader na si Dr. Bernadeth B. Gabor, Director ng Extension and Training Services, BPSU ang nasabing proyekto na naglalayong magkaroon ng Agro-business Community sa mga nasabing barangay ay may kabuuang pondo na, P3, 646, 370.00 kung saan P2, 920, 370.00 ay manggagaling sa DOST samantalang ang P726, 000.00 ay manggagaling sa BPSU,.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Aida Macalinao na natutuwa siya na isa ang bayan niya sa napiling bigyan ng ganitong proyekto na alam niyang malaki ang maitutulong sa kanyang mga kababayan lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Sa nasabing proyekto, inaasahan na magkakaroon ng dagdag na kita ang mga tao sa ituturong squash production at vegetable processing gayundin magkakaroon sila ng malinis na tubig (potable water) sa gagawing proseso sa pamamagitan ng “Solar- powered UV Water Filtration System”.
Upang makatulong sa Edukasyon, ang grupo ay magbibigay sa mga magsasaka at processors ng Frontlearners Interactive Media Teaching Aid at Individual Interactive Multimedia Learning Aid.
Sa pagsuporta sa maayos na nutrisyon sa komunidad, ang grupo ay magkakaroon din ng Complimentary Food Feeding program para mabantayan ang kanilang kalusugan.
Ang 14 na barangay ng Samal, ay pagkakalooban ng Disaster Preparedness kit at Juan Time Clock with Display Messaging Board na kanilang magagamit sa oras ng kalamidad, emergency response at recovery effort.
Sa huli ay nagkaroon ng paglagda ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng bayan ng Samal sa pamumuno ni Mayor Aida Macalinao at mga opisyal/kinatawan ng DOST at BPSU na kasama sa nasabing proyekto.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares