Mas naging makahulugan ang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ng mga taga Hermosa sa pagdaraos nila ng Blood Donation Drive na may temang, “Alay Dugo para sa Araw ng mga Puso” na ginanap sa Brgy. Mandama Covered Court.
Ayon kay Mayor Anne Inton, talagang itinaon nila sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ang nasabing blood donation, dahil hindi lamang pagmamahal ang sinisimbolo nito kundi pagsagip ng buhay para sa kanilang mga kababayan.
Nakasama sa nasabing gawain ang mga kawani ng Municipal Health Office sa pangunguna ni Dr. Warren Valencia, naroon din si Konsehala Gelly Santos at ang Bataan General Hospital Blood Bank Service Dept.
Dagdag pa ni Mayor Anne Inton, malaking tulong ang malilikom na dugo mula sa blood donation dahil maraming nangangailangan nito sa pagsagip ng buhay.