Pormal nang binuksan ang Animal Bita Center (ABTC) sa bayan ng Pilar na katabi lamang ng kanilang Munisipyo, noong ika-20 ng Pebrero. Ayon kay Mayor Charlie Pizarro, ito ay isang hakbang tungo sa mas mabilis, ligtas at mas abot-kayang serbisyong medikal para sa mga nakagat ng aso, pusa at iba pang hayop na may rabies.
Layon ng Animal Bite Center na mabigyan nang kumpletong bakuna laban sa rabies ang mga mamamayan ng Pilar na nakagat ng hayop para maiwasan ang komplikasyon dahil alam nating kapag di agad nabigyan nang mas maagang lunas, ang biktima ay maaaring mamatay.
Sa mga nais malaman ang iba pang detalye, lalo na sa schedule at proseso ng gamutan ay magtungo lamang sila sa kani-kanilang Barangay Health Station.