Ibayong pag-iingat, ipinatutupad sa palengke ng Balanga

Ilan sa mga paraang ipinatutupad sa palengke ng Balanga upang maiwasan ang pagkalat ng COVID 19, ay ang pagtatalaga ni Mayor Francis Garcia ng mga City Marshalls at Traffic Enforcers kasama ang mga kawani ng City Health Office upang kunin ang body temperature ng mga mamimili, gamit ang thermal gun. Tatlo lamang sa mga lagusan […]

Kampanya laban sa pagkalat ng corona virus, lalo pang pinaigting

Mas lalo pang pinaigting ni Bagac Mayor Rommel del Rosario ang kampanya laban sa COVID 19. Ayon kay Municipal Administrator Nick Ancheta nilagdaan ni Mayor Rommel ang isang executive order na naglalayong masugpo ang pagkalat ng virus sa kanilang bayan nitong ika-14 ng Marso, 2020. Mahigpit na ipinatutupad ngayon ang paggamit ng thermal laser gun […]

Kooperasyon panlaban sa COVID-19

Agarang nagsagawa ng press briefing si Gobernador Albert Raymond S. Garcia noong Sabado March 14, 2020 sa The Bunker, nang magpositibo sa COVID 19 ang isang kababayan nating lalake. Dahil dito hiningi ng Gobernador ang kooperasyon ng lahat, pati na mga religious groups na huwag na munang magsagawa ng mga malakihang pagtitipon upang hindi na […]

Nais ang magandang ani

Dumalo ang mga opisyal ng Sulong Magsasaka Association (SUMAKA) sa isang araw na seminar workshop na pinangunahan ng BIOSOLUTIONS International Corporation sa Sitio Malauang Cupang Proper Balanga City, Bataan nitong Miyerkules, ika-11 ng Marso 2020. Ayon kay G. Emmanuel M. Piadoso, Supervisor/TSS Agriculture Division ng Biosolution, nais ng kanilang kompanya na ilapit sa mga magsasaka […]

Patuloy ang pagdakip sa mga “asong gala” sa Balanga

Dahil may batas na ipinagbabawal ang mga naglipanang aso sa daan, matagal nang ipinatutupad ng City Veterinary Office ang panghuhuli sa mga ito sa lahat ng mga barangay sa Lungsod ng Balanga. Ayon kay Dr. Billy Samson ng City Veterinary Office, marami nang nahuhuling mga nagkalat na aso sa daan ang kanilang mga tauhan.Nakadadakip umano […]

Pagpasok at paglabas ng mga karne ng baboy sa Lungsod ng Balanga, tinatanuran

Mahigpit pa ring tinatanuran ng mga tauhan ng Office of the City Veterinarian ang Pamilihang Panglunsod at mga backyard piggery upang manatiling ASF free ang Lungsod. Ayon kay Balanga City Veterinarian Billy Samson, naglagay na rin sila ng mga checkpoints sa mga lugar na maaaring pasukan ng mga traders patungong palengke. “Maraming beses na kaming […]

Mga Bataeño, mapapalad

Mapalad ang mga taga Bataan dahil kabi-kabila ang isinagawang groundbreaking, pasinaya at turn-over ceremony para sa mga proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gob. Albert Garcia kasama sina 2nd District Congressman Joet Garcia, Vice-Governor Cris Garcia at iba pang mga opisyal ng pamahalaan sa loob ng tatlong araw sa ibat ibang lugar sa lalawigan. […]

Lahat ng uri ng shellfish sa 8 bayan at lungsod ng Bataan, positibo pa rin sa Red Tide

Batay sa Shellfish Bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 3 noong ika-15 ng Enero, positibo pa rin sa paralytic shellfish poison ang mga karagatan sa mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Hermosa, Orani, Abucay, Samal, at Lungsod ng Balanga. Kung kaya’t mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagkuha, pagbebenta, pagbili, at […]

Mahigit P3M na proyektong pang agrikultura sinimulan

Tinatayang aabot sa halagang P3,409,000 ang proyekto ng Provincial Agriculture Office (Fishery Division) sa dalawang bayan ng Bataan sa pagpasok ng taong 2020. Ayon kina Engr. Johanna Dizon at G. Danilo C. Abrera, Senior Agriculturist (Fishery Division) ang makikinabang dito ay mga mangingisda sa mga bayan ng Bagac at Morong. Sinabi pa ni G. Abrera […]

Dalawang awards, nakamit ng Balanga CSWDO

Dalawang awards ang natanggap ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng Balanga nitong nakalipas na taong 2019. Ayon kay CSWDO Head, Ms. Gloria Abejar iginawad sa Lungsod ng Balanga ang Seal of Child-Friendly Local Governance noon pang buwan ng Abril ngunit nito lang buwan ng Nobyembre nila ito natanggap. Ang isa pang nakamit […]