banner

Ayuda para sa mga mangingisda

Written by
  • Zeny S.
  • 1 month ago

Mahigit kumulang sa 100 mangingisda ng Brgy. Sisiman sa bayan ng Mariveles ang tumanggap ng food packs mula kina Gov. Abet at Cong Joet Garcia, na pinangasiwaan ni Atty AJ Concepcion, kasama sina Vice Mayor Lito Rubia, mga Sangguniang Bayan members Tito Catipon, Angel Sunga at Harry Goloccan.

Ang mga pamilyang nabigyan ng ayudang food packs ay ang mga naapektuhan ng sama ng panahon dulot ng mga nagdaang bagyong Jolina at Kiko. Lubos ang pasasalamat ni Punong Barangay June Gaviola kina Gob. Abet at Cong. Joet sa nasabing ayuda.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares