banner

Bagong covered court sa Brgy. A. Rivera, binuksan na!

Written by
  • Mhike R. C.
  • 1 month ago

Pinasinayaan nitong nagdaang Martes ang bagong covered court ng Barangay A. Rivera, Hermosa, Bataan.

Pinangunahan ito ni Hermosa Mayor Jopet Inton kasama si Punong Barangay Doreta Ocampo, mga Kagawad at kanyang mga BPSO officials and watchmen.
Ayon kay Mayor Inton, ang proyektong ito ay naisakatuparan sa kooperasyon at pakikipagtulungan kay Senador Bong Revilla na siyang nagbigay ng pondo para sa proyekto.

Dagdag pa ni Mayor Jopet, ang naturang proyektong covered court na ito ay pang “13 and a half” sa kanyang mga naipagawa sa mahigit apat na taong panunungkulan.
Ayon sa datos ng Mayor’s Office, ang dating administrasyon ay ‘kalahating covered court” lamang ang naipagawa na matatagpuan sa Barangay Sumalo at natapos lamang sa panunungkulan ni Mayor Jopet.

“Patuloy po ang pakikipagtulungan ng inyong lingkod sa lahat ng ahensya, hindi po tayo titigil sa ating mga programa, proyekto at adhikain para sa patuloy na pag unlad ng ating Bayan. Maraming Salamat po, Sen. Bong Revilla, Mabuhay po kayo!,” pahayag pa ng alkalde.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares