banner

‘Banda Kawayan’, nabigyan ng kasiyahan

Written by
Latest News
  • Greg R.
  • 7 months ago

Apatnapu’t dalawang matatalinong kagawad ng Mt. View Elementary School sa Mariveles ang nabigyan ng kasiyahan ng mga empleyado GNPower Dinginin Ltd. Co. (GNPD) at ng GNPower Mariveles Energy Center (GNMEC) sa kanilang “Project Saysay.”

Layunin nito na lalo pang mapayabong ang kultura ng musika at mapanatiling buhay ang Bamboo Orchestra ng Mt. View. Ang gawaing ito ay nilahukan ng 36 pang kabataan sa ilalim ng “Kiddie Crew” program ng GMEC at GNPD na nagtuturo sa mga kabataan ng magandang asal sa paggawa at upang mapanatili ang ugnayan ng mag-anak sa kumpanya.

Nagpasalamat si G. Dennis B. Jordan, chief operating officer ng naturang planta, sa mga sumusuporta sa ganitong adbokasiya; sa mga volunteer, mga magulang at mga guro sa kanilang patuloy na pagsuporta sa mga batang may angking talino sa larangan ng musika. “Tapusin ninyo ang pag-aaral ninyo… sa mga kabataan natin, please make sure you put in the right work,” paalala ni Jordan.

Pinagkalooban ang mga bata ng kagamitan sa pag-aaral, bag, cultural uniforms, at apat na bunbong– isang instrumentong pang musika.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares