EnvironmentNews

Barter 2 IN 1

0
oznor

Isang sistematikong pamamaraan ang pinag-aaralan ngayon ni Mayor Aida Macalinao at ng Sangguniang Bayan ng Samal upang masinop nila nang maayos ang kanilang mga basura. Sinabi ni Mayor Macalinao na naitayo na nila ang kanilang bagong Waste Segregation Facility para masiguro na tama at maayos ang paghihiwalay ng mga basura.

Dagdag pa ng alkalde, nagsisimula na umano sa kanilang Samal Ecopark ang pagawaan ng bricks, kung saan ang mga kalakal na bote at plastic ay siya nilang pinoproseso halo ang buhangin at semento para maging bricks, na malaking solusyon sa kanilang lumulubhang problema sa basura. Kasabay umano nito, ilulunsad nila ang proyektong “Barter 2 in 1” kung saan ay papalitan ng dalawang (2) kilong bigas ang bawat isang (1) kilong plastic na maiipon ng mga Samaleno upang mabawasan o tuluyang matigil ang paggamit ng single-used plastic habang binabalangkas pa ng Sangguniang Bayan ang ordinansa kontra plastic.

COVID-UPDATE: AUGUST 4, 2020

Previous article

LNG ship-to-ship transfer resumes in Subic, crew won’t disembark

Next article

You may also like

Comments

Comments are closed.

More in Environment