News

Basta taga Batangas Dos, Bakunado

0

Sa pagbubukas ng ikalawang vaccination site sa Brgy. Batangas Dos sa bayan ng Mariveles, kamakailan, masayang ipinahayag ni Gob. Abet Garcia na sa buong Bataan, ang Batangas Dos pa lamang ang may dalawang (2) vaccination site.

Sa nasabing okasyon, binigyang diin ni Gob. Abet na marapat lamang na samantalahin ng mga residente ang pagkakataon na magpabakuna dahil ito lamang ang proteksyon laban sa COVID-19; at kung tayo ay bakunado, mahawa man tayo ay hindi magiging malala ang epekto at hindi na makadaragdag sa mga malalang kaso na dahilan nang pagkapuno ng mga ospital.

Ibinalita naman ni Punong Barangay Jun Villapando na bukod sa pagkakaroon ng dalawang vaccination sites, isa din ang Batangas Dos sa mga barangay sa Pilipinas na may TESDA satellite training center. Buong pagmamalaki din niyang ibinalita na ibinigay ng kanilang Sangguniang Kabataan ang kanilang pondo para sa itinayong vaccination site.

Sinabi naman ni SK Chairman Lindsay Laygo hindi sila nag-atubili na ilaan ang kanilang pondo sa programa sa pagbabakuna dahil buo ang kanilang suporta sa lahat ng programa ng kanilang barangay at isa na nga dito ang Triple B, na hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa lahat, na lahat ng taga Brgy. Batangas Dos ay maging bakunado, upang makamit na ng ating Lalawigan ang herd immunity.

Ito rin ang binigyang-diin ni Atty. AJ Concepcion, na isa sa mga tumulong upang maitayo ang nasabing vaccination site, na talagang pinagsusumikapan ni Gob. Abet na mailapit sa mga mamamayan ang pagbabakuna na isa na napakahalagang programa ng pamahalaan ngayong pandemya upang magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19 ang lahat ng mga mamamayan.

Libreng PPEs ipinamahagi sa district hospitals, RHUs; infra projects ni Roman nagpapatuloy

Previous article

Bataan, nangunguna sa roll-out ng bakuna sa Central Luzon

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News