News

Bataan, nangunguna sa roll-out ng bakuna sa Central Luzon

0

Ito ang ibinalita ni Gob. Abet Garcia kay Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo sa pagbisita nito sa lalawigan noong nakaraang lingo. Batay umano sa ulat ni Dr. Rossana Buccahan ng PHO, sa weekly assessment ng DOH Region 3, sa pitong (7) probinsya sa rehiyon, Bataan ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga nabakunahan base sa target population na 18 years old pataas, sa mga eligible na populasyon ng lalawigan

Ayon pa sa butihing Gobernador, mas marami ang mga nababakunahan, mas bababa ang bilang ng kaso ng severe cases sa ating lalawigan at kung sakaling mahawahan man ito’y asymptomatic na lamang na parang dinapuan lang ng ubo at sipon, ito siguro ang senyales na gumagana na ang ating herd immunity.

Dagdag pa ni Gob. Abet Garcia, gayon na lamang ang pagsisikap natin na talagang mai roll-out sa buong lalawigan ang mga bakuna maging sa malalayong barangay na pwedeng marating ng vax on wheels.
Paulit ulit pa rin ang pakiusap ni Gob. Garcia sa mga Bataeno na magpabakuna na ang lahat, kung ano man ang available na bakuna sa pinakamalapit na vaccination center sa kanilang lugar dahil ito lamang umano ang agarang proteksyon laban sa COVID-19.

Basta taga Batangas Dos, Bakunado

Previous article

Kusina sa Barangay, namahagi ng ayuda sa araw ng kapistahan

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News