News

Brgy. San Carlos, unang LGRC sa Central Luzon

0

Binigyang pagkilala ng DILG-Bataan sa pamumuno ni Provincial Director Myra B. Moral- Soriano, ang Bgy. San Carlos sa bayan ng Mariveles bilang kauna-unahang Barangay Local Governance Resource Center (LGRC) sa buong Central Luzon na layuning mai- bahagi ang “best practices” ng lokal na pamahalaan na siyang tutugon sa mga suliranin ng taumbayan at komunidad. Isa sa mga factors ay ang pagkakaroon ng Central Command and Monitoring Center (CCMC), na sa kasalukuyan ay may 17 CCTV cameras, 3 Monitoring LED TV units, 8 unit ng two-way radios with base receiver, wired and wireless internet connection, generator set at Barangay Early Warning and Public Announcement System (BEWPAS) na may 13 bullhorns na nakakabit sa iba’t ibang strategic areas sa buong barangay tulad ng mga CCTV cameras. Nagamit pa ito nina Gov. Abet Garcia at Cong Joet Garcia nang bumisita ang mga ito sa barangay at bumati sa mga mamamayan ng San Carlos at ayon pa sa dalawang opisyal, ang nasabing BEWPAS at Command Center ay malaking tulong sa peace and order, public safety operations at ngayon ay sa contact tracing para labanan ang pagkalat ng COVID-19.

Mariveles SB conveys greetings to Muslim brothers, sisters

Previous article

‘Let us not be complacent’

Next article

You may also like

Comments

Comments are closed.

More in News