banner

Bunga ng mabuting pamamahala, nakita sa Bataan

Written by
  • Zeny S.
  • 5 months ago

Namangha si Vice President Leni Robredo nang sabihin ni Gov. Abet Garcia na naitayo ang bagong kapitolyo ng Bataan, na tinatawag na “The Bunker”, nang walang ginastos ang lalawigan dahil ito ay ginawa sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP).

Pinuri ni Vice Pres. Robredo si Gov. Abet Garcia dahil dito, lalo na nang malaman niya na hindi lamang ito ginawa para maging tahanan ng mga tanggapan ng pamahalaan at ibang ahensya kundi upang ma ipreserve din ang mayamang kasaysayan ng lalawigan.

Nasabi din ni Vice Pres. Robredo na ipinakikita nito na kapag maayos ang pamamahala, maraming pwedeng magawa, at katulad ni Gov. Abet, ipinaglalaban din niya umano ang mabuting pamamahala (good governance). Naipakita sa Bataan ang resulta ng mabuting pamamahala, at kung maipakikita din ito sa buong Pilipinas marami umanong serbisyong magagawa.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares