Cong. Gila Garcia 2025 Kabalikat Awardee, Search for Idols ng TESDA

Cong. Gila Garcia 2025 Kabalikat Awardee, Search for Idols ng TESDA

Pinarangalan si Cong. Gila Garcia bilang Special Kabalikat Awardee sa taunang  Kabalikat Awards, Search for Idols ng TESDA nitong ika-24 ng Nobyembre  na ginanap sa Phil. Trade Training Center sa Lungsod ng Pasay.

Ayon kay Cong. Gila, ang nasabing Gabi ng Parangal ay alay para sa mga Technical- Vocational Education and Training (TVET) graduates na nagpakita ng kahusayan sa mga napiling kurso at trabaho,  gayundin mga trainers, partner-companies at mga Lingkod Bayan na naging malaking bahagi sa pagpapalawak, pagpapatatag at patuloy na pagsusulong ng mga programa ng TESDA.

Pinasalamatan ni Cong. Gila ang mga kinatawan ng TESDA sa pangunguna ni TESDA Director General Sec. Kiko Benitez at sa National Board and judges sa natanggap na karangalan.

Ayon pa kay Cong. Gila na patuloy siyang magsisikap para makapagsulong ng mga de-kalidad na programa sa edukasyon lalo na sa mga vocational courses na magbibigay ng kasanayan at hanapbuhay sa mga Pilipino.

Leave a comment