banner

“Dawning of a new day” – Cong. Joet Garcia

Written by
  • Zeny S.
  • 9 months ago

Sa kanyang mensahe, sa ginanap na Ceremonial Vaccination kahapon, sinabi ni Cong Joet Garcia ng 2nd district ng Bataan na, mag-iisang taon na tayo sa loob ng mabigat na problema ng pandemya, kung kaya’t ang ituturok na bakuna sa ating mga frontliners ay simbolo umano ng muling pagbangon, ng muling pag asa o dawning of a new day, na magpapabago sa napakabigat na problema ng pandemyang pinagdaanan natin ng nakaraang taon.

Ayon pa kay Cong Joet, noong panahong iyon marami ang umiiyak, hindi malaman ang gagawin, nangangapa tayo ngunit dahil sa nagtulung- tulong ang lahat at minabuting gawin ang nararapat kahit napakahirap, sa ngayon ayon, ay nakikita na natin ang katapusan ng pandemyang ito.

Sinabi rin ni Cong Joet Garcia na sa pamamagitan ng bakunang ito, ay layunin ng ating Pamahalaan na wala nang magkaroon ng COVID, wala nang magkaroon ng malubhang sakit at mabawasan o wala nang mamamatay dahil sa COVID -19, na nasa pagbabakunang ito ang solusyon upang matapos na ang pandemya at tuluyan na tayong makabangon.

Ibinalita rin ni Cong. Joet Garcia, na nilagdaan na ni Pangulong Duterte ang Rep. Act. no. 11525 na mas kilala sa titulong, “Covid-19 Vaccination Program Act” na naglalayon na lalong mapabilis ang procurement o administration ng COVID -19 vaccines at magkaroon ng P500M Indemnity Fund nang sa gayon ay magkaroon ng tiwala ang bawat isa sa atin na maging ligtas at maayos sa pagbibigay ng bakuna sa lahat ng ating mga kababayan.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares