Malaki ang tiwala ni Bataan Gov. Joet Garcia sa mga day care workers na nagtataguyod ng edukasyon at kapakanan ng mga kabataan.
Ang pagpapahalaga sa mga day care workers ay ipinakita ng gobernador sa unang Bisita Bayan ngayong taon sa Hermosa, nitong nakaraang Lunes.
Sinabi ni Gov. Joet na napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga day care workers sa educhild at sa overall welfare ng mga kabataan.
Ang Bisita Bayan na ginanap sa Hermosa ay buong puwersang dinaluhan ng mga pinuno ng bayan sa pangunguna ni Mayor Anne Lorraine Adorable-Inton, Vice Mayor Patrick Rellosa, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at ng Sangguniang Panlalawigan.