Matagumpay na isinagawa ng DOLE-Bataan katuwang ang LGU Pilar sa pamamagitan ng kanilang PESO, ang Technical and Advisory Visit para sa kanilang mga MICRO Establishments nitong ika-24 ng Setyembre sa Municipal Evacuation Center annex 2 ng MDRRMO bldg.
Layunin umano ng nasabing Technical visit na bigyan nang higit pang kaalaman ang mga negosyante sa pamantayan nang paggawa, mga batas sa paggawa (labor laws) at occupational safety and health ng mga manggagawa.
Tinalakay din sa nasabing programa ang kwalipikasyon ng isang safety officer, mga parusa sa paglabag ( violations) at mga programang maaari nilang magamit o magbenepisyo na iniaalok ng DOLE at PESO. Ang nasabing programa ay naging oportunidad din para makagawa sila ng Compliance Action plans tungo sa ligtas at disenteng lugar nang paggawa.
Mahigit sa 50 negosyante sa bayan ng Pilar ang lumahok sa nasabing programa, patunay lamang ng kanilang suporta sa pagsunod sa mga batas paggawa, gayundin naging magandang ehemplo sila ng pagtutulungan ng Nasyonal at Lokal na Pamahalaan sa pagsusulong ng inklusibong oportunidad sa paghahanapbuhay at pangmatagalang kabuhayan para sa lahat ng negosyante sa bayan ng Pilar.