banner

DOLE Sec. Bello, personal na naghatid ng ayuda sa Bataan

Written by
  • Jonie L. C.
  • 5 months ago

Mainit na sinalubong ng mga opisyal at kawani ng Pamahalaan ng Lalawigan ang pagdating ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa Lungsod ng Balanga, noong Biyernes, ika-16 ng Hulyo.

Sa mensahe ni Gob. Abet Garcia, lubos nyang pinasalamatan ang mga tulong na natatanggap ng mga Bataeno mula sa DOLE. Dagdag pa ng butihing gobernador, sa tulong ng DOLE maglalagay ng isang tanggapan sa loob ng Bunker na tatawaging OFW Family Circle, kung saan dito na reresolbahin ang mga hinaing o problema ng mga OFW.

Bilang pasasalamat sa mga tulong ng DOLE sa Bataan, ginawaran ng plake ng pagkilala si Sec. Bello nina Governor Albert at FAB Administrator Engr. Emmanuel Pineda.
Sinabi naman ni Sec. Belo na malaking biyaya para sa kanya ang iginawad na plake at mas malaki pa raw ito kung ikukumpara sa inihatid na ayuda ng kanyang ahensya sa Bataan.

Article Tags:
· · · ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares