News

“Expansion ng FAB pwede na sa Bagac?”

0

Natuwa ang mga opisyal ng bayan ng Bagac sa pagkakaresolba ng boundary dispute sa pagitan ng kanilang bayan at ng Mariveles.

Ayon kay Mayor Ramil del Rosario, bukod sa naresolba ang matagal nang problema, hindi na umabot pa sa korte ay magkakaroon na ang kanilang bayan ng bahagi sa mga real property taxes maging sa mga pwedeng itayong establisamento tulad ng mga beach resorts, na magpapasigla ng kanilang komersyo.

Sinabi pa ni Mayor Ramil na ang higit nilang inaasahan ay ang posibilidad na ang disputed area na napunta sa kanilang parte ay maging bahagi ng expansion area ng Freeport Area of Bataan o ng FAB.

Kung kaya’t ngayon pa lang umano ay pinag aaralan na nila ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Ron del Rosario at Municipal Administrator Nick Ancheta ang kanilang mga dapat gawin sakaling matuloy ang sinasabing expansion area ng FAB sa kanilang bayan.

Ayon pa kay Mayor Del Rosario ngayon pa lang ay tinitingnan na nila ang kanilang land use management, housing project, commercial establishments lalo na ang paghahanda sa mga kakailanganing skills ng mga mamamayan.

NCIP, DA provide livelihood assistance to Bataan IPs

Previous article

“No Contact Apprehension”, ipatutupad sa Bataan

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News