banner

Gob. Abet, determinadong sugpuin ang smoke-related deaths

Written by
  • Nerlie L.
  • 10 years ago

Ayon kay Garcia, bagamat may mga makabagong teknolohiya at medisina na natutuklasan para mapahaba ang ating buhay, daan-milyong katao pa rin ang nasasawi sanhi ng tobacco-related illnesses at posible pa umanong umakyat sa one billion worldwide ang naturang mortality rate ngayong 21st century.

Binanggit ng gobernador na ang Balanga City ay nagsisilbing ‘forefront’ ng lalawigan ng Bataan sa paglaban nito sa paninigarilyo at nakamit na rin nito ang Hall of Fame status sa Red Orchid Awards ng Department of Health (DOH) dahil sa mahigpit na implementasyon nito ng 100% smoke-free environment policy.

“But despite this achievement, it still relentlessly conducts MPOWER trainings and continues to strictly implement the No Smoking Ordinance, which soon gets viral as these contaminate and eventually infect other nearby municipalities,” dagdag pa Garcia.

Ito rin ang dahilan kaya pursigido ang provincial government sa pagsugpo laban sa masamang epekto ng paninigarilyo kabilang na rito ang mahigpit na implementasyon ng anti-smoking provincial ordinance na ipinatutupad sa 11 munisipalidad nito at ang pagbuo ng Smoke-Free Task Force kung saan isinailalim na sa pagsasanay ang mga kasapi nito. Ipinagmalaki rin ni Garcia na nagbunga ng maganda ang pagsisikap ng probinsya sa kanilang kampanya laban sa paninigarilyo nang makatanggap ng kauna-unahang Red Orchid Award ang Provincial Health Office (PHO) nitong Hunyo 17. Target din nito ang pagtatayo ng smoking-cessation clinics sa bawat munisipalidad.

Batay sa ulat ng World Health Organization (WHO), nagiging sanhi ng pagkamatay ng daan-libong non-smokers ang second-hand smoke dahil sa pagkakaroon nito ng kahalintulad na smoking-related diseases. Lumitaw din sa pagtaya ng WHO na 10 pinoy ang namamatay kada oras dahil sa sakit sa baga, puso, cancer at stroke dulot ng paninigarilyo.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Comments are closed.

Shares