Sa pamamagitan ng social media, hinihikayat ni Gobernador Joet Garcia ang mga residente na bumili ng sariwang gulay gaya ng ampalaya, okra, kamatis, pipino at iba pa sa pakikipag-ugnayan sa Hermosa Municipal Agriculture office.
Sinabi pa ni Gov. Garcia na bukod sa sariwa at mura pa, ang mga gulay ay mahalaga “para sa ating kalusugan.” Isa si Gob. Joet sa mga nagpapalaganap ng programa sa nutrisyon.
Nakatulong din umano nang malaki ang pagkakaroon ng farm-to-market road na ipinagawa nina dating Hermosa Mayor Jopet Inton at kasalukuyang Mayor Anne Lorraine Adorable-Inton sa mga malayong barangay na siyang pinanggagalingan ng gulay, prutas at rootcrops gaya ng kamote, “balinghoy” at ube.