EnvironmentNews

Greener than Green Barangay

0

Patuloy ang isinasagawang balidasyon ng tatlong hurado upang alamin kung aling Barangay ang tatanghalin bilang “Greener Than Green” 2019 na isa sa mga proyekto ng Pamahalaang Panlungsod ng Balanga sa pamumuno ni Mayor Francis Garcia.

Sa pag-iikot nina dating Punong Barangay Ming Tigas, Elmer Castrence at Jess Jimenez, nakikita naman nilang nakasusunod ang mga barangay sa mga panuntunang itinakda, sa katunayan, ang iba ay nakahihigit pa.

Ang magiging champion ay tatanggap ng halagang Php20,000; Php15,000 2nd place; Php10,000 3rd place at Php7,000 naman sa 4th place.

Ang “Greener than Green” program ay pinangangasiwaan nina City Agriculturist at City Environment and Natural Resources Officer Nerissa Mateo at Committee Chairman on Agriculture Konsehal Benjie Meriño.

Ang premyo ng mga mananalong barangay ay personal na iaabot nina City Mayor Francis Garcia, Vice Mayor Vianca Gozon at mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod sa darating na Disyembre.

Mt. Samat’s AR enhanced war museum, first in the Philippines

Previous article

SSS accredits CEmBa as partner agent

Next article

You may also like

Comments

Comments are closed.

More in Environment