NewsSocial Welfare

Groundbreaking ng Aksyon Malasakit Village, ginanap

0
dav

Pinangunahan ni Mayor Aida Macalinao Vice Mayor Jun Espino, Cong. Geraldine Roman, mga opisyal ng barangay, San Juan Home Owners Assn. Mrs. Virginia Vinencio ng Social Housing Finance Corporation ang simpleng groundbreaking ceremony para sa Aksyon Malasakit Village murang pabahay sa bayan ng Samal.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Macalinao na matapos maisagawa ang nasabing pabahay ay kanya umanong sisimulan ang pagkakaroon ng livelihood project, integrated school, day care at iba pang imprastraktura para sa isang kumpletong komunidad.

Samantala, ibingay naman ni Cong. Geraldine Roman ang kanyang buong suporta sa mga proyektong ilulunsad at isasakatuparan gaya nito.
Sinabi naman nii Vice Mayor Jun Espino na, “kapag maganda ang hangarin ng isang pamunuan, hindi man pinipilit sabi nga, lahat seems to be falling into place.

Ayon naman kay Gng. Virginia Vinencio, 858 pamilya ang mabebenipisyuhan ng nasabing housing project na inaasahang matatapos sa loob ng 18 buwan, Ang 32 sq meters na pabahay ay babayaran sa loob ng 25 taon.

NFA Bataan strengthens ugnayan activities

Previous article

EASE OF DOING BUSINESS AND EFFICIENT GOV’T SERVICE SEMINAR

Next article

You may also like

Comments

Comments are closed.

More in News