banner

Higanteng rebulto ng Divine Mercy itatayo sa Abucay

Written by
  • Zeny S.
  • 9 months ago

Kahapon, ika-22 ng Pebrero ay ginanap ang groundbreaking para simulan ang konstruksyon ng higanteng rebulto ng Divine Mercy sa may 3.3 ektaryang lupain sa Brgy. Gabon, bayan ng Abucay, na dinaluhan ng mga opisyal ng bayan Abucay at mga panauhin

Ayon kay Engr. Estoy Vergara, ang nasabing rebulto na may taas na mahigit 200 metro (above sea level) ay donasyon ng mag-asawang Mayor Liberato at Ana Santiago samantalang ang konstruksyon ay popondohan naman ng mag-asawang pilantropo na sina G. Vergel at Gng. Estelita Ignacio na aabot ng mahigit sa P200 milyong piso.
Pinangunahan ni Bishop Ruperto Santos ang ginanap na misa kung saan kanyang sinabi na ang pagtatayo ng simbahan at santuario ng Dakilang Awa (Divine Mercy) at pagtatanghal sa lugar na iyon bilang Bundok ng Awa sa sama-samang pagtutulungan ng lahat ay isang malaking pagpapala at biyaya ng Diyos sa atin.

Ang homilya ni Bishop Santos ay sumentro sa mensahe ng “Kaawaan tayo ng Diyos, may awa ang Diyos at sa awa ng Diyos” , na tayo ay hindi pababayaan ng Diyos, bibigyan ng pag asa, na ang Diyos ay hindi lalayo sa atin dahil tunay na may awa ang Diyos.

Sa huli, ay sinabi ni Engr. Estoy Vergara kung paano naging bukas palad ang mag asawang Liberato at Ana Santiago sa pagtulong at pagbibigay ng pangangailangan ng Simbahang Katolika sa pagtatayo ng iba’t ibang simbahan sa bayan ng Abucay at pagpapasigla ng ating pananampalataya at ngayon sila rin ay bahagi ng proyekto ng Diocesan ng Balanga sa pagtatayo ng Dambana ng Divine Mercy na kasabay sa pagdiriwang ng ika-500 taong anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas gayundin sa pagdedeklara ngSsimbahang Katolika ng taon ni San Jose.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares