banner

Ika-121 taong anibersaryo ng Serbisyo Sibil, ipinagdiwang

Written by
  • Zeny S.
  • 2 months ago

Masayang sinalubong ng Council of Personnel Officers – Bataan Chapter ang pagdiriwang ng ika-121 anibersaryo ng Serbisyo Sibil na may temang, “Transforming Public Service in the Next Decade: Honing Agile and Future-Ready Servant- Heroes”.

Ikinatuwa naman ni Director Edgardo C. Cruz, Director II ng CSC Bataan Field Office ang pagbati ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na nagpapakita ng kanilang pagkilala sa pagpupunyagi ng bawat lingkod-bayani na nagsisilbi sa ngalan ng serbisyo publiko.

Sa kanyang mensahe, sa isang virtual program, sinabi ni Director Cruz na ang pagdiriwang sa taong ito ang maituturing na pinakamalalim, pinakamahalaga at pinakamakabuluhan dahil sa taong ito pinatunayan ng ating mga lingkod bayani, mga frontliners at public health workers na hindi lamang talino, tiyaga at panahon ang kaya nilang ialay para sa bayan, marami ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa tungkulin.

Article Tags:
·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares