Sa pamamagitan ng “Kusina sa Barangay”, namahagi ang Barangay San Carlos sa bayan ng Mariveles sa bawa’t pamilya ng ayudang pagsasaluhan nila bilang pasasalamat sa mga natatanggap nilang biyaya ngayong panahon ng pandemya, sa mismong araw ng kapistahan ng kanilang patron na si Apo Kulas.
Ayon kay Punong Barnagay Ivan Ricafrente ang nasabing ayuda na kinabibilangan ng isang buong magnolia chicken, 15 piraso ng itlog at isang pakete ng Star purefoods hotdogs ay mula sa pinagsama-samang pondo ng barangay at pondong ipinagkaloob ng Pamahalaang Lalawigan sa pamumuno ni Gob. Abet Garcia.
Sinabi pa ni PB Ricafrente na dahil sa pandemya, ang tradisyunal na pagdaraos ng prusisyon, karakol, pagoda at iba pa, tuwing pista ay ipinagbawal kung kaya’t naisip nila na ipagdiwang ang kapistahan sa isang payak na salo-salu ng bawat pamilya at higit ang pasasalamat sa Diyos sa kalusugan at kaligtasan ng bawat pamilya ngayong panahon ng pandemya.