banner

Laptops at tablets para sa mga mag-aaral

Written by
  • Zeny S.
  • 2 years ago

Labis na ikinatuwa ni Mayor AJ Concepcion ng Mariveles ang mga donasyong modernong kagamitan sa Information Technology para sa kanilang paaralan na Marina Bay Elementary School mula sa Aboitiz Power Corporation at Aboitiz Foundation.

Kasama ni Mayor Concepcion ang Punong-guro ng MBES, G. Michael Fernandez; DepEd District Supervisor, Francis Bautista; mga guro at mag-aaral na tinanggap ang nasabing mga donasyon na, apat (4) na laptop, apat (4) na headset, dalawang (2) printer at dalawampung (20) tablets mula sa mga opisyales ng Aboitiz Power Corporation at Aboitiz Foundation.

Malaking pasasalamat ang mensahe ni Mayor Concepcion sa mga opisyal ng Aboitiz na mahalagang tulong umano ang kanilang ipinagkaloob sa mga mag-aaral na natitiyak niyang mag-aangat sa kalidad ng kanilang edukasyon tungo sa magandang buhay.

Article Tags:
· · ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares