Inaanyayahan ng Yunit Pamahalaang Lokal ng Morong at ng Phil Crop Insurance Corporation (PCIC) ang mga magsasaka at may-ari ng bangka sa isang libreng Insurance Registration sa darating na ika-3 ng Oktubre, ika- 9 ng umaga sa Poblacion Covered Court.
Ayon kay Mayor Leila Muñoz, ang Phil. Crop Insurance Corp ay nasa ilalim ng Department of Agriculture, katuwang ang mga magsasaka at mangingisda sa pagbibigay proteksyon laban sa pinsala ng kalamidad, peste at sakit ang kanilang mga tanim.
Sinabi pa ni Mayor Leila na sa pamamagitan ng Abot-kamay na insurance para sa mga pananim, hayop, pangingisda at iba pang yaman sa agrikultura ay mapanatili ang kanilang kabuhayan at seguridad sa sektor ng agrikultura habang sinusuportahan ang iba pang programa ng pamahalaan para sa mas matatag at masaganang bukas. Kinakailangang nakarehistro sa Registry System for basic Sector in Agriculture para mabilis na makapag avail ng tulong.