News

Libreng PPEs ipinamahagi sa district hospitals, RHUs; infra projects ni Roman nagpapatuloy

0

Nitong Huwebes ay sinimulan ng tanggapan ni Bataan 1st District Representative Geraldine Roman ang pamamahagi ng mga personal protective equipment o PPEs sa mga District Hospitals at Rural Health units (RHUs) sa Unang Distrito ng Bataan.
Unang nakatanggap ang Orani District Hospital sa pangunguna ni ODH Hospital Director Dr. Rosalie Manubay.
Sa mga susunod na araway mamamahagi rin ang tanggapan ni Congresswoman Roman sa iba pang mga bayan.

“Nais nating masiguro ang kaligtasan ng ating mga medical frontliners ngayong patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 infections sa ating lalawigan. Makakaasa po kayo na patuloy ang paghahatid natin ng #AllOut na #SerbisyongMayPuso ngayong panahon ng pandemya. Kasama niyo po kami sa pagharap sa hamon ng COVID-19 pandemic,” pahayag ni Congw. Roman.
Samantala, nagpapatuloy naman ang personal inspection ni Congresswoman Roman sa kanyang mga proyekto sa imprastraktura sa kanyang distrito.
Kabilang sa kanyang binisita ang mga kanyang flood-control projects sa bayan ng Samal at Abucay kabilang na ang tulay na nagdurugtong sa dalawang nabanggit na bayan.

DPWH completes 3 roads, 1 flood control infra in Bataan

Previous article

Basta taga Batangas Dos, Bakunado

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News