Umuusad na ang panukalang batas na akda ni Cong Abet Garcia, na, ” Local Governance Meritocracy Act” sa ginanap na pulong ng Technical Working Group sa Kongreso.
Ang nasabing pulong ay pinangunahan ni Cong. Arnan Panaligan bilang Chairman ng Komite at ni Cong. Abet Garcia bilang may akda ng nasabing panukalang batas, na naglalayong kilalanin ang kahusayan ng mga Yunit Pamahalaang Lokal sa pamamagitan ng pagsukat sa kanilang performance batay sa redulta ng mga itinakdang indicators na naaayon sa Human Development Index (HDI) – life expectancy, education, per capita income at peace and order ng bawat bayan.