Prayoridad ng Lungsod ng Balanga ang edukasyon, na pundasyon ng progreso ng Lungsod, kung kaya’t sa ginanap na pulong ng Local School Board (LSB) nitong nakaraang buwan na pinangunahan ni Mayor Raquel Garcia ay binigyang – diin niya ang suporta sa mga estudyante, guro at paaralan.
Sinabi ni Mayora Raquel, na mahalagang hakbang ang pagkakaroon ng Developmental Pediatrician para masiguro na ang mga batang may special needs ay mabigyan ng tamang gabay at kalinga.
Tinalakay din sa nasabing pagpupulong ang mga programang nakatuon sa kalidad ng edukasyon, updates sa school profiling, impormasyon sa mga class shifting at scouting.
Ayon pa kay Mayora Raquel maganda rin na magdagdag ng mga watchmen at utility workers para masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at seguridad sa paaralan.
Sa kabuuan ay malinaw na nakita ang commitment ng LGU at DepEd para sa isang ligtas, inklusibo at nakapangyayaring learning environment.