banner

Mahigit Php1.8Bn collection surplus, naitala ng BOC sa Bataan

Written by
  • Mhike R. C.
  • 2 weeks ago

Nakapagtala nang mahigit 1.8 bilyon pisong surplus collection ang Port of Limay at Subport of Mariveles ng Bureau of Customs nitong katatapos na buwan ng Hulyo 2022.

Ito ang iniulat sa 1Bataan News ni Atty William Balayo, District Collector ng BOC Port of Limay.

Aniya, umabot sa mahigit 11 bilyon piso o P11,894,836,682. ang total collection ng Port of Limay at Subport of Mariveles ngayong buwan ng Hulyo na 18.69% above o mas mataas sa kanilang target na koleksyon na P10,021,829,080.

Pinasalamatan ni Atty. Balayo ang lahat ng BOC personnel at kapwa mga opisyal sa kanilang patuloy na pagsisikap sa pagtiyak na ang mga mandato ng BOC ay ganap na naipapatupad at natutupad kabilang na ang kanyang pagpapahalaga sa walang patid na suporta ng mga stakeholders.

Article Tags:
· · ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares