COVID-19 News

Mass testing, isinasagawa na sa lalawigan

0
Kaugnay ng ipinatupad na localized lockdown sa siyam (9) na barangay sa bayan ng Mariveles, sinabi ni Gov Abet Garcia na magsasagawa ng mass testing kasabay ng contact tracing, kung saan bibigyan ng prayoridad yong mga na trace na close contact ng mga nagpositibo at yong mga symptomatic at kung sila man ay magpositibo, agad silang ma-isolate at magamot nang hindi na makahawa pa.
Dagdag pa ng magiting na gobernador, “we’ll test as much as possible”. Ang 1Bataan RT-PCR laboratory ay nakakapag test ng 300 sa isang araw. Sa ngayon ay umaabot na ito sa 1, 000 at inactivate na rin ang MOA sa Red Cross at JBL para makatulong dahil sa lumalaking requirement.
At dahil sa marami na rin ang pasyente sa Mariveles Wellness Hospital at Mariveles District Hospital, sinabi ni Gov. Garcia na, hinahanda na ang mga bagong tent facilities, hotel at convention center para maging quarantine facilities; hindi man sabay-sabay na matatapos ay tinututukan din upang makapag-operate na agad ang 1Bataan COVID-19 Mega Processing and Quarantine Center sa Orani na makapag-a- accommodate ng 300 katao.

Bataan, patuloy sa paghahanda sa pasukan sa Oktubre 5

Previous article

“85% ng prevention nasa mga kamay natin”

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply