banner

Mga pasilidad sa 1Bataan Village kukumpletuhin

Written by
  • Zeny S.
  • 1 year ago

Ito ang binigyang-diin ni Cong. Abet Garcia, na bukod sa magagandang housing units ay makikita ang iba’t ibang pasilidad sa master plan na kanila umanong kukumpletuhin para lalo pang maging maginhawa ang buhay ng bawat pamilya sa 1Bataan Village.

Ibinigay na halimbawa ni Cong. Abet ang paaralan na itatayo dito upang ang mga bata ay maglalakad na lamang patungo sa kanilang paaralan.

At pagkalipat ng mga pamilya, ang iba’t ibang programa ng mga ahensya ng pamahalaan maging ito ay nasyonal o lokal ay pagsasama- samahin tulad ng sinasabi ni Director Willy ng BFAR, na yong maliliit na bangka ay ia-upgrade sa 60 footer fishing vessel, kung saan ang 10 hanggang 15 mangingisda ay sasanayan para matutong magkaroon ng maraming huli dahil pag maraming huli, maraming kita.

Hindi lamang yatch club ang itatayo para sa mga mangingisda ayon kay Cong Abet, lalagyan din umano ng solar panel ang bubungan ng mga housing unit para bumaba ang magiging bayad nila sa kuryente, magkakaroon ng masaganang tubig, at internet connection para sa mga mag-aaral.

Gaya ng sinabi ni Gov. Joet Garcia, uunahing lagyan ng libreng Fiber-to-home internet ang 1Bataan Village sa Orion para sa mas mabilis na access ng mga mag aaral sa kanilang mga asignatura at ito umano ay libre para sa edukasyon.

Samantala sinabi din ni Cong. Abet na kapag nakapagtapos na sa senior high ang mga anak nila ay gagawin itong mga Iskolar ng Bataan dahil naniniwala umano siya na kapag nakatapos ng kurso at nakapagtrabaho ay makakatulong ang mga ito sa kani-kanilang mga pamilya.

Hiling ni Cong Abet Garcia sa mga benepisaryo ng pabahay na ito, na sana kung gaano kaganda ang tirahan nila ngayon, matapos ang anim na buwan o isang taon ay ganiton pa rin ito kaganda, na pilitin ng lahat na maging masinop, mabuting kapitbahay, magandang samahan at kapwa tao para masaya, maginhawa at masagana ang lahat ng pamilya sa 1Bataan Village.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares