Bilang pagkilala sa tapat at masigasig na paglilingkod, ginawaran ng People’s Law Enforcement Board (PLEB) ang mga natatanging pulis ng Dinalupihan Municipal Police Station (MPS), Bataan Police Provincial Office (PPO) sa isang seremonya nitong Huwebes, ika-14 ng Agosto, sa Sangguniang Bayan Session Hall ng Dinalupihan.
Pinangunahan ang seremonya ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Hon. Noli Soriano, Hon. Ruben Julongbayan, Hon. Jaklyn Hanna De Villa, JD, Hon. Ma. Fe Teresa Peñaflor, PhD, at Hon. Carmen Sandoval, DMD, kasama si PLTCOL Marcelino Teloza, hepe ng Dinalupihan MPS.