banner

Paglulunsad ng Mariveles Comprehensive at Integrated Nutrition Program

Written by
Paglulunsad ng Mariveles Comprehensive at Integrated Nutrition Program
  • Zeny S.
  • 7 months ago

Bilang paghahanda sa paglulunsad ng Comprehensive and Integrated Nutrition Program ng bayan ng Mariveles ay nagsagawa sila ng mga programa hinggil sa nutrisyon. Sinimulan ito sa selebrasyon ng Nutrition month nito lamang nakaraang biyernes sa Mariveles People’s park na may temang, “Healthy diet gawing affordable sa lahat.

Ayon kay Mayor AJ Concepcion, prayoridad ng kanyang administrasyon ang tamang nutrisyon para sa kanyang mga kababayan na sinuportahan ng resolusyon na ipinasa ni Konsehal Ivan Ricafrente ng Sangguniang Bayan na naglalayong, sa taong 2030 ay wala nang magiging malnourished o magugutom sa kanyang mga kababayan kung kaya’t itinakda nila sa ika-31 ng Hulyo ng taong ito ang isang malaking hakbang upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga Mariveleños hinggil sa nutrisyon.

Nakasama rin ni Mayor Concepcion sina Konsehal Ivan Ricafrente, Dr. Gerald Sebastian MHO ng bayan ng Mariveles, mga nutritionists, mga barangay nutrition scholars, na mangunguna sa paghahanda ng iba’t ibang putahe ng mga pagkaing puno sa nutrisyon pero kaya ng bulsa.

Article Categories:
Health

Leave a Reply

Shares