banner

Panukalang Limay General Hospital, malapit nang maisakatuparan

Written by
  • Jonie L. C.
  • 2 years ago

Ilang hakbang na lang at maisasabatas na ang panukalang batas ni Cong. Joet Garcia na naglalayong magkaroon ng General Hospital sa bayan ng Limay.
Sa idinaos na committee hearing sa Mababang Kapulungan, dalawang panukalang batas ni Cong. Joet ang tinalakay, ang Digital Payment Act at ang Limay General Hospital na mahusay namang ipinaliwanag ng masipag na kongresista.

Ayon kay Cong. Joet, bago pa man magkaroon ng pandemya ay isinusulong na niya ang panukalang ito, dahil sa patuloy na pagdami ng populasyon sa Limay pati na sa mga karatig bayan nito at lubhang napakahalaga na magkaroon ng ospital na tutugon sa mga nangangailangan ng atensyong medikal sa nasabing bayan.
Sa kasalukuyan ay pumasa na ang nasabing panukala sa huli at ikatlong pagbasa sa Mababang Kapulungan.

Article Tags:
·
Article Categories:
Health · News

Leave a Reply

Shares