banner

People’s Day ni Congw. Roman, balik na ngayong Agosto

Written by
  • Mhike R. C.
  • 2 weeks ago

Ngayong Agosto ay magbabalik na ang People’s Day ni Bataan 1st District Representative Geraldine B. Roman sa kanyang District Office sa Bayan ng Orani.

Sa kanyang Facebook post ay masayang ibinalita ni Congresswoman Roman ang kanyang mga naging face-to-face at back-to-back consultations kasama ang mga punong barangay mula sa apat na bayan na sakop ng kanyang Distrito. Ito ay ang mga bayan ng Hermosa, Orani, Samal at Abucay.

“Magbabalik po ang ating People’s Day ngayong August at gaganapin po natin ito tuwing Thursday. Abangan po ninyo ito at excited na rin ako sa ating face-to-face na kumustahan,” pahayag ni Rep. Roman sa kanyang official Facebook Page.

Natigil ang nakagawiang People’s Day ni Rep. Roman sa gitna ng pagdami ng mga kaso ng Covid-19 noong 2020 kung saan maging ang kanyang mga staff ay na exposed din sa nakahahawang sakit na ito.

Gayunman, hindi natigil ang serbisyo publiko ng tanggapan ni Congresswoman Roman at nagpatuloy ang pagbibigay tulong sa mga labis na nangangailangan kagaya ng medical at financial assistance, scholarships, TUPAD at AICS at iba pang serbisyo publiko bukod pa sa paggawa ng mga panukalang batas na naisumite ni Rep. Roman.

Nitong pagsisimula ng kanyang ikatlong termino ay umabot sa 20 house bills ang naifile ni Rep. Roman bago pa man nagbukas ang 19th Congress nitong Hulyo 25, 2022.

Article Categories:
News

Leave a Reply

Shares