banner

Proyektong silid-aralan, pinasinayaan

Written by
Proyektong silid-aralan, pinasinayaan
  • Zeny S.
  • 3 weeks ago

Dalawang silid-aralan sa Sampaloc Integrated School (SIS) sa Brgy. Nagbalayong, Morong ang pinasinayaan at binasbasan noong ika-27 ng Abril.

Ayon kay Congresswoman Gila Garcia, ang mga nasabing silid-aralan ay naitayo sa tulong nina Gov. Joet Garcia, Mayor Cynthia Estanislao ng Morong, DePed at DPWH Dist.3 Sinabi pa ni Cong Gila na malaking kaluwagan ang dagdag na silid aralan hindi lamang sa bilang ng mga mag -asral kundi maging sa klima ng panahon lalo pa’t ito’y sa bayan ng Morong na medyo may kalayuan. Nanguna si Rev. Fr.Jesus Navoa sa pagbabasbas. Nakasama rin sina Bokal Popoy del Rosario, Konsehal Manny Noriega, OIC- Dist. Supervisor Mariel Labandido, SIS Principal Emelita Paguio at Punong Barangay Marcelo Geraldez ng Nagbalayong.

Article Tags:
·
Article Categories:
Education · News

Leave a Reply

Shares