banner

Ramp for a Cause, Thread of Hope

Written by
Ramp for a Cause, Thread of Hope
  • Zeny S.
  • 3 months ago

Naging makahulugan ang isinagawang Ramp for a Cause, Thread of Hope event ng Treatment and Rehabilitation Center (TRC) sa bayan ng Pilar sa pangunguna ni Dr. Elizabeth Pizarro- Serrano, na may temang, ” People First: Stop Stigma and Discrimination, Strengthen Prevention” nitong Dec. 9 sa Vista Mall Balanga City.

Ipinaliwanag ni Dr. Serrano na ang nasabing gawain ay nagpapakita sa komunidad na hindi lamang dapat sugpuin ang droga kundi ipakita natin sa mga naging biktima nito na naniniwala tayong magbabago sila, bigyan natin sila ng tiwala at pagmamahal sa halip na discrimination at stigma ang madama nila.

Ayon pa kay Dr. Liz, ang programang ito ay naisagawa sa pakikipagtulungan sa Bataan Peninsula State University, kaya’t gayon na lamang ang pasasalamat niya kay BPSU Pres. Ruby Santos- Matibag sa kanilang pagtitiyaga na ang mga naging biktima ng droga na puro lalaki ay natutong manahi. Ang lahat ng mga tinahing T-shirts, jogging pants, blouses ay iminodel ng 20 lalaki at babaeng estudyante ng BPSU, na may mga nakatatak na, “only God can judge me”.

Ang ramp for a cause, ayon pa kay Dr. Serrano ay magiging makabuluhan sa mga “residente”, dahil pwede nila itong gawing hanapbuhay paglabas nila ng rehabilitation center. Nagpasalamat din si Dr. Serrano kina Gov. Joet Garcia, Cong Abet Garcia, Mayor Charlie Pizarro at iba pang mga opisyal sa Lalawigan na patuloy na sumusuporta sa kanilang mga adhikain at mga proyektong tulad nito.

Article Categories:
Health

Leave a Reply

Shares