News

Royal Thai Embassy at CPF, nag donate ng medical equipment, supplies

0

Hindi naging hadlang ang malakas na buhos ng ulan nitong Sabado para magbuhos din ng pagmamahal ang Royal Thai Embassy at ang Charoen Pokphand Foods Philippines Corporation (CPFPC) sa bayan ng Samal.

Sa pangunguna ni Udomsak Aksornphakdee, CPFPC President for Aquaculture Business, ay personal na tinanggap ni Samal Mayor Aida Macalinao, kasama si Samal MHO Chief, Dr. Cristina Santos-Espino, ang mga medical equipment at supplies na magagamit sa higit na pagpapalakas ng serbisyong medikal ng Samal Rural Health Unit.

“Ako’y lubos na nagpapasalamat sa buong Thai partners and friends ng ating kasalukuyang administrasyon. Bagamat napakahirap ng ating sitwasyon dahil sa CoVid-19, ang ating pasanin ay naiibsan dahil sa pagmamahal ng ating mga kasama sa paglilingkod, muli, maraming salamat sa Royal Thai Embassy at sa Charoen Pokphand Foods Philippines Corporation,” pahayag ni Mayor Macalinao.

Ang CPFPC ay subsidiary ng Charoen Pokphand Foods Public Co., Ltd. isa sa mga kumpanya ng Charoen Pokphand Group, isang agro-industrial at food conglomerate na may main headquarter sa bansang Thailand, at itinuturing na pinakamalaking producer ng feed at shrimps na kabilang sa global top three producer ng poultry at pork (karneng baboy).

Ayon kay Mayor Aida, nitong mga nakalipas na buwan lalo na sa panahon ng pandemya, isa ang naturang kumpanya na pangunahing nagbibigay tulong hindi lang sa Samal LGU, kundi maging sa mamamayang Samaleño.
Kamakailan ay nagdonate ang CPF ng mahigit 3,000 kilo ng tilapya na ipinamahagi sa mga mahihirap na mamamayan na labis na naapektuhan ng pandemya bilang bahagi mg community pantry na inilunsad noon ng LGU-Samal.

Get vaccinated, get a chance to own motorcycle

Previous article

Balanga City is 3rd runner-up in mangrove protection tilt

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News