banner

RT-PCR lab sa Mariveles, bubuksan na

Written by
  • Zeny S.
  • 9 months ago

Ibinalita ni Gob. Abet Garcia na hinihintay na lamang ang permit mula sa DOH upang mabuksan na ang isa pang RT-PCR laboratory sa Mariveles District Hospital, sa bayan ng Mariveles.

Ayon kay Gob. Abet, patuloy ang pagsasagawa ng pamahalaang panlalawigan ng mga hakbang upang mapababa ang bilang ng mga COVID-19 cases sa ating probinsya at lalo pa umano nilang pag-iibayuhin ang mga hakbang na ito kung saan ay kukunin niya ang buong suporta mula sa mga sambayan, hanggang sa mga barangay, munisipyo at lalawigan.
Magiging mahigpit pa rin umano ang pagbabantay sa ating mga borders at pagkakaroon ng masusing koordinasyon sa mga opisyal ng barangay upang hindi na dumami pa ang mga kaso ng COVID.

Pinaalalahanan din ni Gob. Abet ang mga hepe ng tanggapan, mga ahensya at mga alkalde na siguraduhing natutupad ang social distancing at nasusunood ang mga health protocols lalo na sa mga tanggapan na puntahin ng mga tao.

Article Tags:
· ·
Article Categories:
COVID-19 News

Leave a Reply

Shares