Hindi na kayo mag-aalala kung saan ililibing ang inyong alagang aso kapag pumanaw dahil magkakaroon na sila ng disenteng libingan, sa Orani, Bataan. Sinabi ni Orani Mayor Jon Arizapa na maglalaan siya ng isang ispayo para paglibingan ng inyong mga alagang aso o pusa.
Ayon pa kay Mayor Arizapa, ang libingan ng mga aso ay maaari din maging isang parke na puwedexng pasyalan habang dinadalaw ang huling-hantungan ng kanilang alaga. Samantala, isang public cemetery naman ang kasalukuyang isinasaayos na ng pamahalaan sa apat na ektaryang lupain ng Orani sa Barangay Bayan.