News

Senakulo sa Bayan ng Samal, ipagbabawal muna

0

Kilala ang bayan ng Samal sa pinakamahusay na pagtatanghal ng Senakulo kapag Mahal na Araw kung kaya’t talaga namang ito ay dinadayo ng mga tao. Subali’t ngayon pa lamang ay ipinahayag na ni Mayor Aida Macalinao at maging sa pulong nila sa Mayor’s League na hindi na muna niya papayagan ang pagsasagawa ng mga ganitong tradisyon, gayundin ang pagtatayo ng mga kubol, padugo, pabasa, penitensya at iba pa, bilang pag sunod sa protocol ngayong panahon ng pandemya.

Sinabi pa ni Mayor Aida Macalinao na ngayon pa lamang ay nagpapakalat na siya ng mga impormasyon sa labing apat na barangay na umiwas muna sa ganitong gawain sa darating na Mahal na Araw para makaiwas sa biglang pagdami ng ng kaso ng COVID-19.

Dagdag pa ni Mayor Aida na nakipag-ugnayan na siya sa simbahang Katoliko at Aglipay na kung hindi maiiwasan ang prusisyon, ay ipagbawal ang pakikipagprusisyon ng mga tao bagkus, sabihan na lamang sila na abangan na lamang nila ang prusisyon sa kani kanilang tahanan kapag dumaan ito sa kanilang lugar. Kung mayroon naman umanong panata ang mga tao, ito ay maaari nilang gawin sa loob ng kanilang mga tahanan.

Samantala, sinabi naman ni Mayor Gila Garcia, Pangulo ng Bataan Mayor’s League na makikipagpulong umano siya kay Bishop Ruperto Santos upang humingi ng gabay sa mga dapat at hindi dapat gawin sa pagsapit ng Mahal na araw, kaugnay ng COVID-19, at anumang kanilang mapag-usapan ay kanya umanong ibabahagi sa lahat ng mga punong bayan.

Larawan mula sa Calaguiman, Samal fb page.

Opening of SBMA backdoor gate boosts Morong growth

Previous article

BENGSU bencnhmarks BPSU science and technology-based mango farming research

Next article

You may also like

Comments

Leave a reply

More in News