banner

Sentinel pigs ipinamahagi sa mga hog raisers

Written by
  • Greg R.
  • 2 years ago

Malalaman sa loob ng tatlong buwan kung wala na o mayroon pang African swine fever sa Bataan sa pamamagitan ng sentinel pigs na ipinamamahagi ng provincial veterinary office sa ilalim ng programang “ASF Sentinel Program” ng Department of Agriculture.

Sinabi ni Dr. Alberto Venturina, provincial veterinarian, na ang sentinel pigs ay aalagaan muna ng farmers sa loob ng tatlong buwan at pag hindi tinamaan ng virus, ang ibig sabihin ay wala nang circulating virus sa area nila kaya puwede na uli mag-alaga ng baboy.

“Yung sentinel ay imo-monitor muna within six weeks for ASF para malaman if nasa farm pa din yung virus after depopulation. Basis din siya kung puwede nang mag-repopulate kung hindi magkakasakit ang mga baboy,” paliwanag ni Venturina.

Ayon kay Venturina, mayroong 640 heads na ididisperse sa mga bayan maliban sa mga bayan ng Pilar, Dinalupihan at Limay. Bawat farmer ay tatanggap ng apat na baboy, 12 sacks of feeds, antibiotics, vitamins at dewormers.

Article Tags:
·
Article Categories:
Agriculture · News

Leave a Reply

Shares